Wednesday, 20 February 2013

Mga Produkto ng Baguio

 Lungsod Ng Baguio

Oh Ano? Nasasabik na ba kayong pumunta at bumisita sa Lungsod ng Baguio? Sandali lang, alam niyo ba ang iba't ibang produkto nito at pagdiriwang? Halika't samahan niyo akong suriin ang mga ito.





Mga Produkto at Pagdiriwang sa Lungsod ng Baguio


Tignan natin ang mga produktong ito

Strawberry Jam~Ito ay gawa sa mga sariwang strawberries na galing sa taniman ng Trinidad Valley.

 Ito ay may sikretong sangkap kaya’t  binalik-balikan ito ng mga tao.

   Etag~Pinakuluang leeg ng baboy na piniritong lubog sa kumukulong mantika. Ang Etag ay kadalasang  inihahanda gamit ang bawang at paminta. Ang iba ay matagal magprito ng Etag at isinasawsaw ang mga ito sa hot sauce o suka.

Mga Gulay~ Litsugas , karot, patatas, repolyo, brocolli, talong, pipino at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay tumutubo sa La Trinidad Valley sa Baguio.







Pagdiriwang


Pista ng Panagbenga  (Pista ng mga Bulaklak) ~ ang taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.  Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak".









Oh diba ang ganda dito kaya sa susunod punta tayo rito at subaybayan natin ang magagandang obra na gawang PINOY


Baguio Arts Festivals

(Nobyembre - Disyembre)  ~ Ang taunang festival na ito na itinatag ng Baguio Arts Guild nagsimula pa noong 1989, na may visions na unang gawin ang Baguio bilang lugar ng Arts and Artist na ipapakita ang pagiging magaling sa visual arts(photography, films, video, arts sculpture, at arts installations): Performing arts(modern dances drama, music, poetry reading): ethnic arts.
Baguio Foundation Day
(Setyembre) ~ Sa unang linggo ng buwan ay ipinadiriwang ang pakakatatag ng Baguio na Summer Capital ng Pilipinas magmula ng ito'y maicharter noong September 01,1909 na may exibits, parades, programs, cultural shows at sister-city programs.




Ang galing talaga ng mga Pinoy
Kaya kung ako sa inyo punta na kayo rito sa Baguio dahil hindi lang sa malamig na klima masasarap din ang mga produkto rito at magaganda rin ang mga tanawin at mga pista rito
It’s More Fun In The Philippines



26 comments:

Unknown said...

maganda ang blog niyo... ngayon ko lang nalaman na ang lungsod ng baguio ay kakaiba sa paraan na maraming gulay sa kanila ang nanggagaling at mga pagdiriwang na makakapagbigay ng kasiyahan sa mga tao.

Quezon City (Hollywood Capital) said...

Ang ganda ng blog niyo hindi lang nito pinapahiwatig ang malamig na klima sa Baguio kundi pati narin ang iba pang produkto nito

Unknown said...

maganda naman. maayos na inilahad ang bawat detalye ng bawat paksa. marami akong nalaman na bagong impormasyon.

Unknown said...

maganda ang blog na ito at marami akong natutunan tungkol sa Baguio

Unknown said...

maganda ang blog na ito at marami akong natutunan tungkol sa Baguio

Unknown said...

Nice blog. I've been there.

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

maganda dyan sa baguio... marami akong natutunan mula sa blog niyo...

Unknown said...

Kahit ang taho ay may strawberry flavor na :) Maganda ang inyong blog at mas lalong mahihikayat ang ating mga kababayan na dumayo sa lungsod ng Baguio.

Unknown said...

tumira kami ng aming pamilya sa baguio for 2 years, and indeed, it is a very nice place! i tried also participating in panagbenga festival

Unknown said...

tumira kami ng aming pamilya sa baguio for 2 years, and indeed, it is a very nice place! i tried also participating in panagbenga festival

Kirk Bamba said...

Maayos naman blog ninyo pero parang napalaki ata font size ninyo. Tapos ung ibang letra dun sa parte ng etag ay natatakpan.

Anonymous said...

Nice blog! :)) i've been there halos every year it's very beautiful there :))

Katniss Everdeen said...

Wonderful blog. It's so beautiful place. If I have a time I'll go there :))

Unknown said...

Ang ganda naman ng napili niyong lugar. Maganda talaga jan, malamig pa.
Yung isa jan punta tayong Baguio sama natin barkada ;))

Unknown said...

ang lamig diyan sa baguio grabe sarap matulog diyan

Unknown said...

Maganda talaga diyan sa Baguio.. Masarap talaga ang strawberries diyan :)

Unknown said...

Napakaganda talaga ng Baguio! At ang Strawberry Jam nila'y talagang masarap! Nice blog!

Unknown said...

Very Imformative. Good Job =)))

Unknown said...

Talagang maganda ang Baguio. Masarap rin ang mga pagkain nila, natikman ko na yung Strawberry Jam nila. Talagang may totoong strawberry na kasama, tamis ^_^ :))

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

ANG PANGIT!!!

Anonymous said...

NG PINOST MO!!!

Unknown said...

KAKAIBA TALAGA ANF LUNGSOD NG BAGUIO DI KO NA KAILANGAN PUMUNTA DYAN DAHIL ANG BAGUIO ANG LUMALAPIT SAAMIN!!

clar said...

well lalo ako namangha sa lungsod ng baguio!!! Sakit.info